Kay Huli
- Corinne Sison
- Dec 8, 2015
- 1 min read
Juli, ikaw ay ubod ng Ganda
Mabuti at Matulungin din
May pagalang sa iyong nakatatanda
Maamo at Maunawain
Ngunit may sumalubong sa iyong pamilya
isang himok ng kasawim-palad
Dinukot ang iyong iisang ama
Kinailangan ang iyong pagbayad
Ikaw ay naging alipin
Ikaw ay nagpakahirap
Pero natuto mong tiisin
ang inhustisyang nagaganap
Juli, mabigat talaga
ang nangyari sa iyo
Ang buhay mo’y nawala
upang itulong si Basilio
Hanggang sa pinakawakas
Nanatili kang dalisay
Tunay na anak, tapat na katipan
Buong sarili ay ibinigay
May maraming itituturing bayani
Sa Noli at El Fili
At lubos kong naniniwala
Na Bayani din si Juli
ความคิดเห็น