top of page
Search

Ang Huling Mensahe ni Kabesang Tales

  • Corinne Sison
  • Dec 10, 2015
  • 2 min read

Mahal kong pamilya,

Mahirap humanap ng salita na maipapahiwatig ang tindi ng aking dalamhati nang narining ko ang nangyari sa mga iyo. Humihingi ako ng tawad.

Kay Juli at Tano, ang aking mga mahal na anak, Alam ko na hindi ako naging sapat na ama. Pero nais kong ipabatid na kayong dalawa ay higit pa sa sapat na anak . Kayong dalawa at iyong lolo ang natirang ilaw ng buhay ko nang namatay ang iyong ina at kapatid. Hindi ko kailanman makakalimutan ang iyong unang tawa, iyong unang salita at hakbang. Huli, alam ko ang ginawa mo para sa akin. Alam ko ang sinakripsyo mo upang isauli ako ng mga tulisan. Paumanhin anak, na sinayang ko ang iyong sakripisyo. Paumanhin anak, nang hindi ko kita iniligtas, na wala ang mahal mong ama sa oras ng iyong pangangailangan. Tano, aking malakas na lalaki, alam ko ang nangyari sa inyong lolo nang ikaw ay tinatawag Carolino. Nais ko mong malaman, na hindi mo kailangan humingi ng tawad. Gamitin mo ang inyong buhay nang matalino at para sa Pilipinas, para sa pamilya. Alamin mo na mahal na mahal namin ikaw. Juli at Tano mahal, na mahal kita. Walang magulang ay pwedeng maghingi ng mas mabuting anak.

Sa aking ama na nawala ng kakayahang magsalita, hindi tama ang naranasan mo. Lagi kong sisihan na hindi naging taimtim ang inyong katandaan. Nang nagsimula ang gulo sa ating lupa hanggang sa kahulian, patuloy mong inalaga ako at iyong pamilya. Pero paumanhin po ama. Laging sinasabi mo ko na maghinatay. Maghintay ka na lang anak, magwawagi naman ang tama sa wakas. Wala na akong pasensyang maghintay. Nawala ang aking pasensya nang nawala ang ating lupa, ang inyong boses, at ang buhay mo at si Juli.

Ako ay isang ama, isang anak, isang asawa. Parang lahat na ng pagkatao ko ay kinuhan ng mga kastila, kinain ng kanilang kasakiman, binura ng kabuktukan ng kanilang mga pari at sundalo. Ang natitira lamang sa akin ang aking pagkaPilipino. Kahit anong gawan nila ngayon sa akin hindi nila pwedeneng ikunin ang aking lahi. Ang kamatayan lamang ang pwedeng magnakaw ng katawan ko. At kahit mawala ako sa itong mundo, sisigaw ang aking kalooban, titibok ang aking puso mula sa ilalim ng lupa.

Namatay na si Kabesang Tales kasama ng kaniyang pamilya. Ang tanging hiling ko ay mapayapa na siya kasama ng kaniyang pinakamahal sa buhay. Ang tanging hiling ko ay matuklasan ninyo ang tunay na kaligayahan saanman kayo ngayon, mahal na pamilya.

At sa mga Walang-Silbing Kastila,

Ako ay ang agila ng poot, ang mata ko’y nakikita ng kawalan ng hustisya at kukunin ng aking mga kamay ang kinuha ninyo sa atin. Hindi ako susuko, hindi ako hihinto hanggang malasa ninyo ang aking paghihiganti.

Ako ang hari ng mga tulisan at kung kailangan ibuhos ang dugo, ibuhos ngayon din!

Ang pangalan ko ay Matanglawin at pagod na ako sa paghihintay.

Abangan ninyo ang aking galit.

 
 
 

Recent Posts

See All
Bugtong-Bugtong

1.)Isang kasunduan na nagpapahintulot sa kamatayang sumasang-ayon. Humahantong sa isang pagbagsak sa panahon ng rebolusyon. Sagot:...

 
 
 
Balita: Si Juli

Magandang Umaga. Ang ulo ng balita ngayon ay may nakitang patay na babae malapit sa kumbentong tinitirahan ni Padre Camorra. Tila ang...

 
 
 
Balita: Kasawian!

Magandang araw mga kababayan. Pagkatapos ng nakakatakot na pangyayari sa kasalan nila Paulita Gomez at Juanita Pelaez, may rebelyon na...

 
 
 

Comments


Who's Behind The Blog
Recommanded Reading
Search By Tags
Follow "THIS JUST IN"
  • Facebook Basic Black
  • Twitter Basic Black
  • Google+ Basic Black

© 2023 by "This Just In". Proudly created with Wix.com

Donate with PayPal

Also Featured In

    Like what you read? Donate now and help me provide fresh news and analysis for my readers   

bottom of page