ANG MANG-ALAHAS NA SI SIMOUN, NASA LIKOD NG SINUBUKANG PAGSABOG AT REBELDE?
- Luis Lucero
- Dec 11, 2015
- 1 min read
Pagkatapos ng mga pangyayari sa bahay ng dating Kapitan Tiyago, lahat ay naghahanap kung sino talaga ang may kasalanan sa lahat na ito. Nagkaroon din ng pag-aalsa sa mga kalapit na bayan sa oras ng pangayayari, na minumuno ng isang lalaki kilala sa pangalan ng Matanglawin, ngunit ang mga ulat ay nagmumungkahi na patay na siya. Inamin ng mga pinigil na rebelde na umakay sila sa isang makapangyahiran na tao. Bagama't hindi siya nakita sa personal, sinabi nila na ang lalaking ito ay nagmamay ari ng mga kayamanan galing sa mga ibang bansa. Ang mga paglalarawan na ito ay magkatugma sa mga katangian ng mag-aalahas. Isang pagsusuri ay isinasagawa sa bahay niya at ni Kapitan Tiyago, ngunit hindi matagpuan si Simoun. Sa kabilang dako, maraming pulbura ay natuklasan, nakatago sa mga pader at sahig ng bahay ni Kapitan Tiyago. Mga espekula ay nagmungkahi na ang lampara na nilagay sa gitna ng pagtitipon ay ang mitsa para sumabog ang bahay. Sa pakikipanayam ng kasamahan ni Simoun na si Quiroga, nahayag na nagkasunduan sila na itago ang mga armas ni Simoun sa kaniya. Kinukumpirma na, si Simoun ba talaga ang nasa likod nito? Ano kaya ang kaniyang plano?
Recent Posts
See All1.)Isang kasunduan na nagpapahintulot sa kamatayang sumasang-ayon. Humahantong sa isang pagbagsak sa panahon ng rebolusyon. Sagot:...
Magandang Umaga. Ang ulo ng balita ngayon ay may nakitang patay na babae malapit sa kumbentong tinitirahan ni Padre Camorra. Tila ang...
Magandang araw mga kababayan. Pagkatapos ng nakakatakot na pangyayari sa kasalan nila Paulita Gomez at Juanita Pelaez, may rebelyon na...
Comments