top of page
Search

Liham ni Isagani kay Paulita

  • Micah Zaballero
  • Dec 11, 2015
  • 2 min read

Mahal kong Paulita,

Kamusta na ang kalusugan mo? Masaya ka ba kasama ni Juanito Pelaez? Alam ko na wala ako sa puso mo. Kahit ganoon pa man, may lugar ka pa rin sa pusong ito. Totoo ang pag-ibig ko sayo, mahal ko ang buong pagkatao mo. Kahit hindi parehas ang ating isipan sa pag-unlad ng Pilipinas, mahal pa rin kita. Kahit hindi mo ako talagang minahal o ginamit lang, mahal pa rin kita. Una kitang nakita, hindi ko namalayan na nakuha mo ang aking puso. Ang kislap ng iyong mga mata, ang iyong pulang labi na parehas sa rosas, ang iyong matamis na boses na katulad sa isang sirena, at ang iyong makinis na balat na hindi nakakasawa tingnan. Paulita, ikaw ang buong mundo ko. Araw-araw, lumalakas ang pag-ibig ko sayo at pagnakikita kita, piling ko ako ang pinakamasayang lalaki sa lahat ng mga lalaki. Umaga hanggang gabi, ikaw ang laman ng isip ko. Hindi ako makatulog dahil sayo pero hindi kita sinisise, ganun talaga ang pag-ibig ko sayo. Yung nalaman ko na ikakasal ka kay Juanito Pelaez, nalungkot ako. Gusto ko kitang pigilin ngunit kung doon ka masaya, wala na akong magagawa. Paulita, mahal na mahal kita. Para sa iyong kasiyahan, hindi na ako magpapakita pa sayo o guguluhin ang buhay mo. Gusto kitang hawakan, kausapin, ligawin, yakapin at halikan ang iyong masarap na libi ngunit hindi na iyon ang lugar ko. Maging masaya ka kasama ni Juanito Pelaez. Kung may problema ka, siya ang hanapin mo, hindi na ako. Malayo man ako sayo, katawan ko, puso ko at isip ko, hinahanap ka at gustong makasama ka habang buhay. Paalam aking mahal, Paulita.

Ang totoong nagmahal sayo,

Isagani

 
 
 

Recent Posts

See All
Bugtong-Bugtong

1.)Isang kasunduan na nagpapahintulot sa kamatayang sumasang-ayon. Humahantong sa isang pagbagsak sa panahon ng rebolusyon. Sagot:...

 
 
 
Balita: Si Juli

Magandang Umaga. Ang ulo ng balita ngayon ay may nakitang patay na babae malapit sa kumbentong tinitirahan ni Padre Camorra. Tila ang...

 
 
 
Balita: Kasawian!

Magandang araw mga kababayan. Pagkatapos ng nakakatakot na pangyayari sa kasalan nila Paulita Gomez at Juanita Pelaez, may rebelyon na...

 
 
 

Comentários


Who's Behind The Blog
Recommanded Reading
Search By Tags
Follow "THIS JUST IN"
  • Facebook Basic Black
  • Twitter Basic Black
  • Google+ Basic Black

© 2023 by "This Just In". Proudly created with Wix.com

Donate with PayPal

Also Featured In

    Like what you read? Donate now and help me provide fresh news and analysis for my readers   

bottom of page