top of page
Search

Maskara

  • Micah Zaballero
  • Dec 11, 2015
  • 2 min read

Sabi nila, kung matagal mo hindi tinanggal ang maskara mo, makakalimutan mo kung sino ka talaga. Para sa akin, hindi yan totoo.

Noong bata pa ako, maraming kakaibang lahi pumupunta sa Pilipinas. Malakas ang impluwensya ng Espanya kaya maraming politikong kastila. Kung tatanungin mo ako kung payag ako doon. Hindi, mga wala silang kaluluwa. Dahil sa sobrang mababait ng mga Pilipino, umaabuso ang mga Kastila. Isa doon ang aking mga magulang at babaeng kapatid. Sabi nila aksidente pero hindi! Nandoon ako mismo nagtatago, sinusuntok sila at pinapatay gamit ng isang kutsilyo! Anong lasing? Nasa tamang utak sila! Dahil maraming politikong kastila, maraming humihirap at nasasaktan. Natatakpan nila ang mga pagkakamali nila gamit ng pera. Sa kasal ni Ate Paulita at ni Kuya Juanito, yung si Padre Salvi, kung anu-ano ang mga kontra niya sa mga mag-aasawang Pilipino. Tinuro rin nilang taksil si Ibarra at pinatay kahit hindi naman totoo.

Galit na galit akong lumaban sa mga Kastila. Sa mga paaralan, korte, simbahan, at sa iba't ibang lugar, ipinakita ko ang galit ko sa lahat ng mga tao ng pitong buwan, na dapat hindi tayo umaasa sa ibang lahi kailangan natin buksan ang ating mga mata at kinun ang Pilipinas. Maraming tao ang sumuporta sa akin. Ang pangalan ko ay naging kilalang-kilala sa buong bayan at hinahabol ako ng mga Kastila at papatayin para tumahimik ako. Para hindi ako mahuli, umalis ako ng Pilipinas.

Nag-aral ako sa ibang bansa tungkol sa pakikipagaway at pinayaman ko ang sarili ko. Pagkatapos ng labintatlong taon, bumalik ako para ituwid ang Pilipinas gamit ng pangalang, Sisa.

Nagsimula ako sa mga mayayaman na Kastila, niligpitin ko sila sa gabi at nilalagay ko ang mga ebidensya na sila ay masasama sa katabi ng kanilang bangkay. Para hindi ako makilala, nag-susuot ako ng maskara. Sa umaga, isa akong magandang babae at inosenteng mag-aalahas.

Walong buwan ko na itong ginagawa, dahil hindi nila matukoy kung sino ang pumapatay ng mga Kastila, tinawag nila si Kapitan-Heneral. Pagkatapos ng isang buwan, nalaman nila na ako ang pumapatay. Dahil wala na akong matatakbuhan. Pinalano ko na ilalason ko ang aking sarili at sa tabi ng aking bangkay ay may papel, pagkinuha ito lahat ng paligid ko ay sasabog. Ang nakalagay sa papel ay, "Mene Thecel Phares" ibig sabihin, "Hindi mo mababago ang kinabukasan." At nakalagay doon sa ibaba ang totoo kong pangalan.

Maria Clara

 
 
 

Recent Posts

See All
Bugtong-Bugtong

1.)Isang kasunduan na nagpapahintulot sa kamatayang sumasang-ayon. Humahantong sa isang pagbagsak sa panahon ng rebolusyon. Sagot:...

 
 
 
Balita: Si Juli

Magandang Umaga. Ang ulo ng balita ngayon ay may nakitang patay na babae malapit sa kumbentong tinitirahan ni Padre Camorra. Tila ang...

 
 
 
Balita: Kasawian!

Magandang araw mga kababayan. Pagkatapos ng nakakatakot na pangyayari sa kasalan nila Paulita Gomez at Juanita Pelaez, may rebelyon na...

 
 
 

Kommentarer


Who's Behind The Blog
Recommanded Reading
Search By Tags
Follow "THIS JUST IN"
  • Facebook Basic Black
  • Twitter Basic Black
  • Google+ Basic Black

© 2023 by "This Just In". Proudly created with Wix.com

Donate with PayPal

Also Featured In

    Like what you read? Donate now and help me provide fresh news and analysis for my readers   

bottom of page