Balita: Kasawian!
- Cael Cornelio
- Dec 14, 2015
- 1 min read
Magandang araw mga kababayan. Pagkatapos ng nakakatakot na pangyayari sa kasalan nila Paulita Gomez at Juanita Pelaez, may rebelyon na sa pamumuno ni Matanglawin sa Luzon ang nabuo. Sinunog nila ang mga bahay at pinatay ang mga Hukom ng Pamayapa ng Tiyani. Maraming usap usapan na nakikita ang mga rebelde sa Batangas, Cavite, Tayabas, Pangasinan at Bicol. Ang balita ay ang mga gwardya na Pilipino katulad ni Mautang ay mas malupit ang kaysa sa mga Kastilang gwardya dahil sa pagpatay sa mga magsasaka na hinuli upang gamiting pain sa mga rebelde. Ayon sa mga saksi inutos ng Komander na patayin ang mga magsasaka at may isang lalaki na may hawak na bolo sa bundok na lumaban ngunit siya ay pinabaril. Nakilala ang matanda na si Tandang Selo.
Comments